Vice President Sara, caretaker ng bansa habang nasa Washington si Marcos
MANILA, Philippines — Pansamantalang magiging caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang nasa Washington si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa isang official visit.
Mismong si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ang nagkumpirma nito kahapon.
Si Pang. Marcos ay lumipad mula Maynila patungong Washington, DC nitong Linggo ng hapon para sa isang bilateral talk kay US President Joe Biden ngayong Lunes, Mayo 1. Inaasahang magkakaroon rin siya ng expanded meeting kasama ang iba pang opisyal ng Amerika, kung saan tatalakayin ang pagnanais ng pangulo na magkaroon ng mapayapang South China Sea sa kanyang pagbisita.
Isusulong rin umano ng pangulo ang mga economic agenda ng Pilipinas.
Mananatili ang pangulo sa Washington, DC hanggang sa Mayo 4. — Gemma Garcia
- Latest