76ers winalis ang Nets sa 1st round

Sinunggaban ni James Harden ng 76ers ang loose ball laban kay Spencer Dinwiddie ng Nets sa Game 4 ng kanilang first-round series.

NEW YORK — Nag­pos­te si forward Tobias Harris ng 25 points at 12 rebounds para banderahan ang Philadelphia 76ers sa 96-88 pagsibak sa Brooklyn Nets at kumpletuhin ang 4-0 sweep sa kanilang Eastern Conference first- round series.

Tumipa si James Har­den ng 17 points, 11 assists at 8 rebounds para sa third-seeded 76ers na sa­sagupain ang mananalo sa No. 2 Boston Celtics at No. 7 Atlanta Hawks sa conference semifinals.

Hawak ng defending Eastern Conference champion na Celtics ang 2-1 lead sa Hawks.

Hindi naglaro para sa Philadelphia si NBA lea­ding scorer at MVP finalist Joel Embiid dahil sa kanyang sprained right knee.

“He’s the leader of this team and for him, he takes the guys before the game and he told us good luck and we appreciate him for that. And we need him to get healthy,” ani guard Tyrese Maxey kay Embiid.

Tumapos si Maxey na may 16 points, habang nag-ambag si Paul Reed ng 10 points at 15 re­bounds.

Pinamunuan ni Spencer Dinwiddie ang Nets sa kanyang 20 points at humakot si Nic Claxton ng 19 points at 12 rebounds.

Sa Los Angeles, ku­mo­­lekta si Anthony Davis ng 31 points at 17 re­bounds, habang may 25 mar­­kers si LeBron James para igiya ang Lakers sa 111-101 panalo sa Memphis Grizzlies at kunin ang 2-1 lead sa kanilang Western Conference first-round series.

Nag-ambag si Rui Ha­chimura ng 16 points para sa seventh-seeded na Los Angeles na dinuplikahan ang NBA record na 26-point lead sa second quarter.

Nagtala si Memphs star Ja Morant ng 45 points, 13 assists at 9 rebounds sa kanyang pagba­balik matapos ang one-game absence dahil sa namagang kanang kamay.

Sa Miami, kumamada si Jimmy Butler ng 30 points para sa 121-99 paggi­ba ng No. 8 Heat sa top-seeded na Milwaukee Bucks at kunin ang 2-1 lead sa serye.

Wala pa rin si two-time MVP Giannis Anteto­kounmpo para sa Bucks da­hil sa kanyang bruised lower back.

Sa Los Angeles, huma­taw si Kevin Durant ng 31 points at may 30 markers si Booker sa 112-100 panalo ng Phoenix Suns sa Kawhi Leonard-less Clippers at agawin ang 3-1 kalamangan sa kanilang du­welo.

 

Show comments