Mojdeh sumisid ng 2 ginto sa Malaysia

Si Micaela Jasmine Mojdeh habang naghahanda sa kanyang paglangoy.
Chris Co

MANILA, Philippines — Nagningning si Micaela Jasmine Mojdeh nang kubrahin nito ang dalawang gintong medalya sa 58th Malaysia Invitational Age Group Swimming Championships kahapon sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur Sports Complex sa Bukit Jalil, Malaysia.

Nakabawi ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) Philippines tanker na si Mojdeh sa second day ng kumpetisyon matapos angkinin ang korona sa girls’ 15-17 400m Individual Medley.

“At first I don’t want to swim the 400 IM since I r­eally never liked this event. It is one of the har­dest event in swimming and I wanted to focus on 100 fly because after 400 IM its 100 fly event,” ani Mojdeh.

Itinala ni Mojdeh ang limang minuto at 7.42 segundo para pataubin sina Cambodia Southeast Asian Games-bound Indonesian tankers Gusti Ayu Made (5:09.39) at Shakthi Ba­lakrishnan (5:14.86) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

“I just listened to Coach Virgie de Luna. He told me that whatever my mind can conceive my body can achieve. So I focus really the feeling of my body. I don’t want to go so fast in my fly event since I might end up dying on freestyle. So I did my strokes smoothly,” dagdag ni Mojdeh.

Muling umarangkada sa afternoon session si Moj­deh nang masikwat nito ang ikalawang ginto sa 100m butterfly matapos magsumite ng 1:03.23.

Pinataob ni Mojdeh si silver medalist Lilly Kartina Beales ng Indonesia na may dikit na 1:03.36 at bronze winner Ayu Made na naorasan ng 1:04.34.  

Show comments