^

PM Sports

Tropang Giga gustong makauna sa Gin Kings

Russell Cadayona - Pang-masa
Tropang Giga gustong makauna sa Gin Kings
Asahan na ang matinding labanan nina TNT import Rondae Hollis-Jefferson at Ginebra reinforcement Justine Brownlee sa Game 1.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang pagiging team manager ang trabaho ni Jojo Lastimosa sa TNT Tropang Giga bago tinapik na interim coach habang sinasanay ni head coach Chot Reyes ang Gilas Pilipinas.

Kaya susulitin na ng PBA legend ang pagkakataon para makamit ang kauna-unahan niyang korona bilang coach.

“I never thought that I would be in this position because I was hired as a team manager and now I’m already here,” sabi ng 59-anyos na si Lastimosa.

Bubuksan ng Tropang Giga at ng nagdedepensang Ginebra Gin Kings ang kanilang best-of-se­ven championship series ngayong alas-6 ng gabi sa Game One ng 2023 PBA Governors’ Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo na ng TNT ang Ginebra, 114-105, sa elimination round kung saan sinapawan ni da­ting NBA player Rondae Hollis-Jefferson si six-time  PBA champion Justin Brownlee.

Sinibak ng Tropang Giga ang Meralco Bolts, 3-1 habang winalis ng Gin Kings ang San Miguel Beermen, 3-0, sa kani-kanilang best-of-five semifinals duels papasok sa PBA Finals.

Ito ang ikatlong pagkakataon sa league history na maghaharap ang isang head coach at kanyang da­ting player sa PBA Finals at kauna-unahan sa loob ng 15 taon.

Si Lastimosa ay da­ting player at assistant ni Ginebra coach Tim Cone sa Alaska.

“I’m always comfor­table with Tim even when we were together as a player and as an assistant coach. It’s just like coming home. I’m comfortable being around Tim,” wika ng 10-time PBA champion player na si Lastimosa.

Masakit mang mag­harap sila ni Lastimosa sa PBA Finals ay kailangan ni Cone na gawin ang kanyang trabaho para sa Gin Kings.

“Every win is gonna be bittersweet,” ani Cone. “But we both got jobs to do and we’re gonna do it to the best of our ability and there’s gonna respect on both sides of the floor.”

Hangad ni Cone ang kanyang PBA record na ika-26 korona habang ang kauna-unahan naman niyang titulo ang asam ni Lastimosa.

vuukle comment

PBA

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with