TNT import may misyon sa PBA Finals

MANILA, Philippines — Bumida si import Rondae Hollis-Jefferson sa paggupo ng TNT Tropang Giga sa nagdedepensang Barangay Ginebra sa una nilang pagtutuos sa elimination round ng 2023 PBA Governors’ Cup.
Humakot ang 28-anyos na dating NBA player ng 34 points, 11 rebounds, 4 assists at 4 steals para sa Tropang Giga habang may 27 points at 10 boards si Justin Brownlee sa panig ng Gin Kings.
Umaasa si TNT interim coach Jojo Lastimosa na ang nasabing mga numero rin ang ipoposte ni Hollis-Jefferson laban kay Brownlee at sa Ginebra sa best-of-seven championship series ng torneo.
“Rondae is going to be a big equalizer for us. We like his enthusiasm, we like his youth. And he has a mission of having not won any championships yet,” ani Lastimosa. “I’m just hoping that can negate a little bit of Brownlee’s magic.”
Nakatakda ang Game One sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
May perpektong 6-of-6 record ang 34-anyos na si Brownlee sa kanyang paggiya sa Ginebra sa PBA crown, ang pinakahuli ay sa Commissioner’s Cup kung saan nila tinalo ang guest team na Bay Area Dragons sa Game Seven.
“I’m just hoping that Rondae’s youth will be able to compensate for Rondae’s lack of knowledge yet in the game,” wika ni Lastimosa sa kakulangan ng PBA experience ni Hollis-Jefferson.
Kumpiyansa si Hollis-Jefferson na ang Tropang Giga ang kukuha sa series opener na hangad din ng Gin Kings.
“I feel very confident in our approach, in our preparation. Day in and day out, thinking about the game, sleeping about the game, that’s how I try to live, so I look forward to it,” sabi ng No. 23 overall pick ng Portland Trail Blazers noong 2015 NBA Draft.
- Latest