PORTLAND — Kumamada si De’Aaron Fox ng 18 points para igiya ang Sacramento Kings sa 120-80 paggupo sa Trail Blazers at angkinin ang playoff ticket sa Western Conference.
Tinapos ng Sacramento (46-30) ang 16-year playoff drought para sikwatin ang home-court advantage sa playoffs.
Nagdagdag si Malik Monk ng19 points kasunod ang 17 markers ni Kevin Huerter habang isinalpak ni rookie Keegan Murray ang kanyang ika-188 triple sa season para sa bagong NBA record matapos sapawan ang 187 ni Donovan Mitchell ng Cleveland Cavaliers.
Umiskor si rookie Shaedon Sharpe ng 30 points para sa Portland (32-44) na naglaro na wala sina Damian Lillard (right calf), Jusuf Nurkic (right knee), Anfernee Simons (right foot) at Jerami Grant (left quad).
Sa Indianapolis, nagpaputok si Jrue Holiday ng career-high na 51 points at may 38 markers si Giannis Antetokounmpo sa 149-136 paggiba ng NBA-leading Milwaukee Bucks (55-21) sa Indiana Pacers (33-44).
Sa Chicago, nagtala si LeBron James ng 25 points sa 121-110 pagdaig ng Los Angeles Lakers (38-38) sa Bulls (36-40).
Sa Philadelphia, nagposte si Joel Embiid ng 25 points at nag-ambag si James Harden ng 15 points at 12 assists sa 116-108 pagpapatumba ng 76ers (50-26) sa Dallas Mavericks (37-40).