LOS ANGELES, Philippines — Kumonekta si Trey Murphy III ng 32 points at nagtala si Brandon Ingram ng 32 points at 13 assists para giyahan ang New Orleans Pelicans sa 131-110 paglambat sa Clippers.
Dinuplika ng New Orleans (37-37) ang kanilang franchise record na 21 three-pointers tampok ang career-high na 10 triples ni Murphy.
Ang 22-anyos na si Murphy ang naging second-youngest player sa NBA history na nagsalpak ng 10 triples matapos ang dating 20-anyos na si Anthony Edwards ng Minnesota Timberwolves sa kanyang ikalawang season.
Kumolekta si C.J. McCollum ng 21 points, 8 rebounds at 8 assists para sa kanilang ikaapat na sunod na arangkada.
Pinamunuan ni Bones Hyland ang Los Angeles (39-26) sa kanyang 18 points.
Sa Phoenix, humakot si Bismack Biyombo ng 17 points, 13 rebounds at 5 blocks habang may 29 markers si Devin Booker sa 125-105 pagsunog ng Suns (39-35) sa Philadelphia 76ers (49-25).
Sa Denver, tumipa si Nikola Jokic ng 31 points at 11 assists sa 129-106 pagsapaw ng Nuggets (50-24) sa Milwaukee Bucks (53-21).
Sa Sacramento, umiskor si Kevin Huerter ng 27 points sa 121-113 paggiba ng Kings (45-29) sa Utah Jazz (35-39).