Bucks nakawala sa Nets
MILWAUKEE — Humakot si center Brook Lopez ng 24 points, 10 rebounds at career-high na 9 blocks para pamunuan ang Bucks sa 118-113 paggupo sa Brooklyn Nets.
Ang siyam na supalpal ni Lopez ang pinakamaraming naitala ng isang NBA player ngayong season.
Umiskor si Bobby Portis ng season-high na 28 points bukod sa 13 rebounds para sa NBA-leading na Milwaukee (48-18) na muling naglaro na wala si two-time MVP Giannis Antetokounmpo (sore right hand).
Wala naman sa Brooklyn (37-29) sina Nic Claxton (right thumb sprain/left Achilles tendinopathy), Spencer Dinwiddie (rest), Cam Johnson (right knee soreness), Royce O’Neale (left knee soreness) at Ben Simmons (left back/knee soreness).
Kumamada si Patty Mills ng 23 points para sa Nets na nakabangon mula sa 24-46 pagkakaiwan sa second period para makalapit sa 97-99 sa huling apat na minuto ng fourth quarter.
Sa Memphis, naglista si Tyus Jones ng 22 points at may 21 markers si Jaren Jackson Jr. sa 131-110 pagmasaker sa Grizzlies (39-26) sa Golden State Warriors (34-33).
Sa Sacramento, kumolekta si Domantas Sabonis ng triple-double na 24 points, 13 rebounds at 10 assists sa 122-117 panalo ng Kings (39-26) sa New York Knicks (39-29).
- Latest