Bulls itinumba ang Nuggets

Ang paglipad ni Zach LaVine ng Bulls para sa isang dunk nang makawala kay Aaron Gordon ng Nuggets.
STAR/File

DENVER -- Kumamada si Zach LaVine ng 29 points habang humakot si center Nikola Vucevic ng 25 points at 15 rebounds para giyahan ang Chicago Bulls sa 117-96 pagsuwag sa Western Conference-leading na Nuggets.

Dahil sa panalo ay nakalapit ang Chicago (30-36) sa Washington Wizards (31-35) para sa final playoff spot sa Eas­tern Conference kung saan may 16 games pa ang natitira sa regular season.

Binanderahan ni Nikola Jokic ang Denver (46-20) sa kanyang 18 points, 12 rebounds at 8 assists.

Naiwanan ng Nuggets sa halftime, 51-52, nag­lunsad ang Bulls ng isang 19-4 atake sa third quarter para agawin ang 79-66 bentahe tampok ang three-pointer ni Patrick Williams sa huling 3:22 minuto.

Sa Phoenix, nagsalpak si Devin Booker ng 44 points sa 132-101 dominasyon ng Suns (37-29) sa Oklahoma City Thunder (31-35).

Sa Boston, umiskor si Jayson Tatum ng 30 points tampok ang anim na tres para sa 115-93 panalo ng Celtics (46-21) sa Portland Trail Blazers (31-35).

Sa Miami, pumukol si Darius Garland ng 25 points sa 104-100 pag-eskapo ng Cleveland Cavaliers (42-26) sa Heat (35-32).

Show comments