Meralco inagaw ang Quarterfinals spot

Pumorma si Danny Ildefonso ng Converge laban kay Cliff Hodge ng Meralco.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nabalewala ang itina­lang triple-double ni Con­verge import Jamaal Franklin at ang muling paglalaro ni two-time PBA MVP Danny Ildefonso.

Ito ay matapos itakas ng Meralco Bolts ang 132-129 overtime win laban sa FiberXers papasok sa quarterfinals ng 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Co­lise­um.

Isinalpak ni Meralco guard Anjo Caram ang da­lawang technical free throws sa huling 6.9 se­gun­do ng extra period at si­nupalpal ni import KJ McDaniels ang tangkang tres ni Jerrick Balanza ng Converge.

Tumapos si McDa­niels na may 33 points at 12 rebounds at nag-am­bag si Aaron Black ng 28 markers, 8 boards at 5 assists para sa 6-4 record ng Bolts.

Bigo naman ang Fiber­Xers, may 6-4 marka rin, na makalapit sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Ang dalawang foul shots ni Caram ay nagmu­la sa flagrant foul penalty 1 ni Barkley Ebona ng Con­verge kay Allein Maliksi ng Meralco sa huling 6.9 segundo ng overtime.

Dahil sa galit ay si­na­kal ni Maliksi si Ebona na nagresulta sa kanyang disqualifying foul at free throw ni Jeron Teng na nag­dikit sa FiberXers sa 129-132.

Kumolekta nsi Franklin ng 57 points, 14 rebounds at 11 assists sa pa­nig ng Converge, habang may isang rebound at isang turnover ang 46-anyos na si Ildefonso sa loob ng 4:17 minuto.

Sa ikalawang laro, inangkin ng Barangay Gi­nebra (6-2) ang isang quarterfinals ticket mula sa 109-89 paggiba sa Phoenix (4-6).

Show comments