^

PM Sports

Petro Gazz, Chery Tiggo lalapit sa semis berth

Chris Co - Pang-masa
Petro Gazz, Chery Tiggo lalapit sa semis berth
Petro Gazz
PVL

MANILA, Philippines — Palalakasin ng Petro Gazz at Chery Tiggo ang kanilang kam­panya para makahirit ng puwesto sa semis sa magkahiwalay na laban sa Premier Volley­ball League (PVL) All-Fi­lipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Gazz An­gels at Philippine Army ngayong alas-4 ng hapon, habang aariba ang laro ng Crossovers kontra sa Akari Char­gers sa alas-6:30 ng gabi.

Nangunguna sa team standings ang defen­ding champion na Creamline na may 5-1 marka at na­sa ikalawa ang PLDT Home Fibr tangan ang 4-1 kartada kabuntot ang F2 Logistics (4-2).

Nasa ikaapat ang Gazz Angels at Crossovers na pa­rehong may 3-2 marka.

Kaya naman krusyal ang mga susunod na laro sa liga lalo pa’t dikit-dikit ang baraha ng mga teams na naglalaban-laban para sa apat na silya sa semifi­nals.

Galing ang Gazz Angels sa 25-23, 25-13, 25-23 panalo kontra sa Cargo Movers sa kanilang huling laro.

Apat na players ng Gazz Angels ang nagtala ng double digits sa natu­rang laro sa pangunguna ni­na Jonah Sabete at MJ Phillips na may tig-13 points.

Nakalikom naman si Aiza Maizo-Pontillas ng 11 hits at may 10 markers si Grethcel Soltones.

Haharap ang Gazz An­gels sa Lady Troopers na nananatiling walang pa­nalo sa limang laro.

Uhaw sa panalo ang Ar­my kaya’t inaasahang ilalabas nila ang lahat ng kanilang armas para putu­lin ang losing skid.

Ibabandera ng Lady Troopers si top scorer Ho­ney Royse Tubino kasama sina Nene Bautista, Lutgarda Malaluan, Jeanette Villareal at Mary Anne Es­guerra.

vuukle comment

CHERY TIGGO

PETRO GAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with