^

PM Sports

ROY award nakuha ni Abarrientos sa KBL

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umukit ng kasaysayan si RJ Abarrientos ng Ulsan Hyundai Mobis Phoebus matapos hirangin bilang Rookie of the Year sa pag­tatapos ng 2022-2023 re­gular season ng Korean Basketball League.

Dinaig ni Abarrientos ang ilang pambatong local candidates ng KBL at maging ang kababayang si Rhenz Abando ng Anyang KGC.

“Thank you to my coa­ches, especially my Mo­bis team, to all my teammates for helping me through a lot on and off the court,” sabi ng dati ng FEU Tamaraws guard.

Humakot si Abar­rientos ng 13.6 points, 4.8 assists, 2.9 rebounds at 1.4 steals sa 51 games para sa Ulsan na nagtapos sa No. 4 sa regular season hawak ang 34-20 kartada papasok sa quarterfinals.

Tumikda naman si Abundo ng mga averages na 9.0 points, 2.3 rebounds at 1.0 assist para sa Anyang na may 37-17 kartada para maging regular season champion patungo sa semifinals.

Parehong naglalaro sina Abarrientos at Abando bilang Pinoy imports sa ilalim ng Asian Player Quota program na ikinunsidera ng KBL na eligible para seasonal awards.

Samantala, tinanghal na Season MVP si Kim Sun Hyung ng reigning champion na Seoul SK Knights na may 36-18 kar­tada sa ikatlong puwesto pa­pasok sa playoffs.

Wagi rin bilang Best Import ang teammate niyang si Jameel Warney, habang Coach of the Year si Kim Sang Shik ng An­yang.

Sinamahan nina import Omari Spellman at Byeon Jun Hyeong ng Anyang pati ni Jeon Seong Hyun ng Goyang Carrot Jumpers sina Kim at War­ney sa Mythical Five selection.

RJ ABARRIENTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with