^

PM Sports

Pogoy pahinga sa 6th window

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi masisilayan sa aksyon si Talk ’N Text gunner Roger Pogoy para sa Gilas Pilipinas sa sixth window ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifier.

Ito ay matapos magtamo ng injury si Pogoy sa laban ng Tropang Giga kontra sa Meralco Bolts noong nakaraang linggo.

Nagpahinga si Pogoy noong Linggo sa laban ng TNT at San Miguel Beer.

“It’s not a severe sprain but he needs just a couple of weeks of non basketball activity,” ani Tropang Giga mentor Jojo Lastimosa.

Matatandaang nauna nang nawala sa lineup sina Japeth Aguilar, Angelo Kouame at Kai Sotto na may magkaibang kadahilanan

Parehong may injury sina Aguilar at Kouame habang nagpaalam si Sotto na hindi muna ito maglalaro sa sixth window para paghandaan ang pagsabak nito sa NBA Summer League.

Kaya naman malaking dagok ito sa Gilas Pilipinas na sasabak sa dalawang laro sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Unang haharapin ng Pinoy squad ang Lebanon sa Pebrero 24 kasunod ang Jordan sa Pebrero 27.

Malaking kawalan si Pogoy na isa sa top scorer sa 2022-23 PBA Governors’ Cup.  Mayroon itong average na 20.0 points kada laro mula sa matikas na 51 percent shooting clip.

Nagtala pa ito ng 40 puntos nang ilampaso ng Tropang Giga ang Blackwater sa iskor na 138-116 bago magtamo ng injury kontra sa Bolts.

Magandang pagkakataon ang magiging break sa PBA para mapabilis ang paggaling ng injury ni Pogoy. 

ROGER POGOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with