Raptors umeskapo sa Pistons
TORONTO — Nagpakawala si guard Fred VanVleet ng 35 points habang nagdagdag si Pascal Siakam ng 28 markers para tulungan ang Raptors sa 119-118 pag-eskapo sa Detroit Pistons.
Ito ang ikaapat na panalo ng Toronto (27-31) sa huli nilang limang laro.
Nag-ambag si Scottie Barnes ng 20 points at nagposte si Precious Achiuwa ng 11 points at 11 rebounds para sa kanilang ikalawang sunod na pagdaig sa Detroit (15-43) matapos ang 0-6 record.
Ang three-point shot ni Jaden Ivey sa huling 10.1 segundo ng fourth quarter ang nagdikit sa Pistons sa 113-116 kasunod ang dalawang free throws ni VanVleet para sa 118-113 abante ng Raptors.
Kumonekta naman si Bojan Bogdanovic ng dalawang free throws para sa 115-118 agwat ng Detroit bago ang split ni Achiuwa sa natitirang 4.4 segundo para selyuhan ang panalo ng Toronto.
Sa Boston, nagsalpak si Derrick White ng 23 points para banderahan ang Celtics (41-16) sa 119-109 panalo sa Memphis Grizzlies (34-22).
May 20 markers si Sam Hauser at dinuplika ang kanyang career-high na anim na triples.
Tumapos si star Jayson Tatum na may 16 points mula sa 3-of-16 field goal shooting.
Binanderahan ni Ja Morant ang Memphis sa kanyang 25 points, 7 assists at 6 rebounds kasunod ang 18 markers ni Desmond Bane.
- Latest