Durant dinala sa Suns

PHOENIX — Kinumpleto ng Suns ang isang blockbuster trade para mahugot si Kevin Durant mula sa Brooklyn Nets.

Para makuha ang 34-anyos na one-time NBA MVP na si Durant ay ibinigay ng Suns sina Mikal Bridges, Cam Johnson, Jae Crowder, apat na first-round picks at isang 2028 pick sa Nets.

Tatanggapin din ng Phoenix si forward T.J. Warren mula sa Brooklyn bilang bahagi ng trade.

Samantala, pumayag din ang Los Angeles Lakers na mai-trade si Russell Westbrook sa Utah Jazz at muling makuha si point guard D’Angelo Russell mula sa Minnesota Timberwolves sa isang three-team, eight-player trade.

Bukod kay Russell ay makukuha rin ng Lakers sina Malik Beasley at Jarred Vanderbilt habang mapupunta sa Timberwolves sina guards Mike Conley at Nickeil Alexander-Walker bukod sa future picks. 

Sa Los Angeles, humataw si Kyrie Irving ng 24 puntos, 4 rebounds at 5 assists sa kanyang debut para sa Dallas Mavericks (30-26) para sa 110-104 paggupo sa Clippers (31-27).

Sa isa pang resulta, hiniya ng NBA-leading Boston Celtics (39-16) ang Philadelphia 76ers (34-19), 106-99.

 

Show comments