SAN FRANCISCO — Sa pagkakaroon ng injury ng kanyang star teammate na si Stephen Curry ay nagpasabog si Klay Thompson ng 42 points para tulungan ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 141-114 pagrapido sa Oklahoma City Thunder.
Kumonekta rin si Thompson ng season-high na 12 three-pointers habang may 21 markers si Jordan Poole bukod sa career-best na 12 assists para sa Warriors (28-26).
Umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 20 points at may 19 at 18 markers sina Aaron Wiggins at Tre Mann, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Thunder (25-28).
May 27 points si Thompson sa halftime tampok ang pitong triples para sa 60-53 abante ng Golden State at nagsalpak ng 19-7 atake sa third period para tuluyan nang iwanan ang Oklahoma City.
Sa Salt Lake City, naglista sina Josh Green at Jaden Hardy ng mga career highs na 29 points sa 124-111 panalo ng Dallas Mavericks (29-26) sa Utah Jazz (27-28).
Hindi pa naglalaro si Kyrie Irving para sa Mavericks habang hindi nakita sa aksyon si Luka Doncic (heel bruise).
Sa New York, humataw si Paul George ng 29 points at may 24 mar-kers si Kawhi Leonard sa 124-116 pagdakma ng Los Angeles Clippers (31-26) sa Brooklyn Nets (32-21).