PSA Athlete of the Year si Diaz

Hidilyn Diaz

MANILA, Philippines — Mula sa sa pagko­po ng gintong medalya sa mga malala­king international events kagaya ng Southeast Asian Games, Asian Games at World Championship hanggang sa Olympics ay wala nang makakapantay kay weightlifter Hidilyn Diaz.

Mahigit isang taon ma­­tapos ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold medal ay tuloy pa rin si Diaz sa paghakot ng karangalan para sa bansa.

Tatlong ginto ang bi­nu­hat ng 31-anyos na tu­bong Zamboanga City sa women’s 55-kilogram class ng nakaraang IWF World Weightlifting Championships sa Co­lom­bian, Bogota.

Ito ang kumumpleto sa bucket list ni Diaz sa pag­sikwat ng ginto sa mga malala­king internatio­nal events.

At dahil dito ay hinirang si Diaz ng Philippine Sportswriters Association (PSA) bilang 2022 Athlete of the Year.

“Hidilyn Diaz was the una­nimous choice as Athlete of the Year for 2022 by the Philippine Sportswri­ters Association. Her latest triumph is a testament to her being a true world-class athlete who continues to be an inspiration to the Fi­lipino people since her historic gold medal win in the Tokyo Olympics,” ani PSA president at Tempo sports editor Rey Lachica.

Ibibigay sa Pinay weightlifter ang ikatlo ni­yang Athlete of the Year award sa nakalipas na li­mang taon sa tradisyunal na San Miguel Corporation (SMC)-PSA Awards Night sa Marso 6 sa grand ballroom ng Diamond Hotel.

Ito ang ikaapat na PSA Athlete of the Year trophy ni Diaz para pantayan si­­na world boxing greats Manny Pacquiao at Noni­to Do­naire Jr.

Show comments