Halos apat na buwan na lang, ayan na ang Cambodia Southeast Asian Games. Gaano na ba kahanda ang ating mga atleta?
Nag-meeting ang mga opisyal ng Philippine Olympic Committee noong nakaraang linggo at pinag-usapan dito ay ang preparasyon ng mga SEA Games-bound athletes.
Kailangan na raw simulan na ang preparasyon para sa SEA Games. Dapat ay nasa kasagsagan na ngayon ang training ng mga atleta.
Habang heto si Hidilyn Diaz, sa 2024 pa ang Paris Olympics, eh nakaline-up na ang training sa U.S. at Japan sa taong ito para sa kanyang tangkang ikalawang Olympic gold medal.
Nakakakaba “tong Cambodia SEA Games kasi ang dami nilang restriction na pabor na pabor sa kanila.
Nilimitahan nila ang puwedeng ilahok ng ibang bansa sa mga events pero sila, puwedeng maglahok sa lahat. Hanggang dalawang medalya lang din ang puwedeng mapanalunan ng isang atleta.
Ang puwede nating pangontra sa mga restrictions na ito ay magpadala ng mga palaban at well- prepared at well-trained athletes.
Good Luck na lang sa ating mga atleta. Tiwala lang. Laban, Puso!