^

PM Sports

SBP inilabas ang 24-man pool para sa final window ng Asian Qualifiers

Chris Co - Pang-masa
SBP inilabas ang 24-man pool para sa final window ng Asian Qualifiers
Justin Brownlee at June Mar Fajardo

MANILA, Philippines — Pinangalanan na ka­ha­pon ng Samahang Bas­­ketbol ng Pilipinas (SBP) ang 24 mi­yembro ng Gilas Pilipi­nas pool para sa sixth win­dow ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero.

Nangunguna sa lista­han si Justin Brownlee ng Barangay Ginebra na kamakailan lamang ay inaprubahan na ang na­tu­­ralization.

Makakasama ni Brownlee sa Gilas Pilipinas training pool ang mga napi­ling players mula sa PBA, UAAP at Japan B-League.

Ilan sa mga bagong pa­­ngalan na napasama sa pool ay sina Schonny Winston ng De La Salle University, Jerom Lasti­mosa ng Adamson University at Mason Amos.

Pasok din sina Jordan Heading, Arvin Tolenti­no, Kai Sotto, Dwight Ra­­mos, Jordan Heading, Ray Parks, Kiefer Rave­na, Thirdy Ravena at Carl Tamayo.

Aariba rin sina Scottie Thompson, June Mar Fajardo, CJ Perez, Roger Pogoy, Chris Newsome, Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Arvin Tolentino, Japeth Aguilar at Raymond Almazan, naturalized center Ange Kouame, Kevin Quiambao at Francis Lopez.

Ito ang unang pagkakataon na masisilayan sa aksyon si Brownlee suot ang Gilas Pilipinas jersey.

Si Brownlee ang isa sa mga naturalized players ng Gilas Pilipinas.

Una na si Kouame, habang si Filipino-Ame­rican Jordan Clarkson ng Utah Jazz ay itinuturing na naturalized player ng FIBA.

Makakasagupa ng Gilas sa sixth window ang Jordan at Lebanon.

Idaraos ang mga laro sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Magsisilbing dry run ito para sa hosting ng Pilipinas ng FIBA World Cup na itataguyod ng bansa sa Agosto.

Sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan gaganapin ang knockout stage ng FIBA World Cup.

 

ASIAN QUALIFIERS

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with