^

PM Sports

Chua babalik sa TNT

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaprubahan kahapon ng PBA Office ang isang three-team, six-player trade kung saan muling maglalaro si center Justin Chua para sa TNT Tropang Giga matapos ang apat na taon.

Sa nasabing trade ay ibibigay ng Phoenix sina Jake Pascual at Sean Anthony sa NLEX kapalit nina Chua, Paul Varilla at ang second round pick ng Road Warriors sa 48th season draft.

Ipapasa naman ng Fuel Masters sina Chua at Varilla sa Tropang Giga para mahugot sina Raul Soyud, JJ Alejandro at ang second round pick ng TNT sa 52nd season draft.

Naglaro ang 6-foot-6 na si Chua para sa TNT noong 2017 bago ibinigay sa Phoenix.

Ito ang ikalawang trade para sa dating Ateneo Blue Eagles slotman matapos siyang makuha ng Road Warriors mula sa Fuel Masters noong Pebrero kapalit ni forward Kris Porter.

Magbabalik naman si Anthony sa NLEX kung saan siya naglaro noong 2015 hanggang 2017 bago nai-trade sa NorthPort sa pagdating ni coach Yeng Guiao.

Ito ang unang trade na ginawa nina coaches Frankie Lim ng NLEX, Jojo Lastimosa ng TNT at interim coach Jamike Jarin ng Phoenix.

JUSTIN CHUA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with