Sabonis naglista ng triple-double sa panalo ng Kings
SACRAMENTO, Calif. — Nagposte si Domantas Sabonis ng 19 points, isang career-high na 16 assists at 15 rebounds para sa kanyang ikaapat na triple-double sa season sa paggiya sa Kings sa 139-114 pagpapasabog sa Houston Rockets.
Si Sabonis ang ikalawang player sa franchise history na naglista ng nasabing mga numero matapos si NBA legend Oscar Robertson.
Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Sacramento (23-18).
Umiskor si Harrison Barnes ng 27 points.
Pinamunuan nina Fil-Am Jalen Green at Jabari Smith, Jr. ang Houston (10-32) sa kanilang tig-27 points.
Sa San Antonio, nagsumite si Jordan Poole ng 25 points sa 144-113 pagmasaker ng nagdedepensang Golden State Warriors (21-21) sa Spurs (13-30) sa harap ng NBA-record crowd na 68,323 fans.
Sa Minneapolis, humataw si Anthony Edwards ng 31 points sa 121-116 panalo ng Minnesota Timberwolves (21-22) sa Phoenix Suns (21-23).
Sa Salt Lake City, tumipa si Lauri Markkanen ng 28 points sa 112-108 paglusot ng Utah Jazz (22-23) sa Orlando Magic (16-27).
- Latest