Nakakagulat ang mabilis na exit ni Noli Eala bilang chairman ng Philippine Sports Commission.
Sa pag-alis ni Kom Noli sa PSC, heto naman ang kanyang pamangking si Alex ay papasok sa panibagong hamon ng kanyang career bilang tennis player.
Apat na buwan pa lang si Kom Noli sa PSC at marami na siyang nagawa, nasimulan at marami pang magagawa para sa mga atleta at sa Philippine Sports, pero nakakalungkot na dahil sa pulitika, iiwan niya ang lahat ng ito.
Ang kuwento, si Kom Noli ay kasama sa grupo ni Vic Rodriguez na nag-resign bilang Executive Secretary ni Pres. Bong Bong Marcos matapos magka-issue tungkol sa importation ng asukal. Lahat ng na-appoint sa ilalim ni Rodriguez na abot sa 1,500 posisyon ay tatanggalin.
Nothing against sa bagong PSC chairman na si Dickie Bachmann. I’m sure very capable rin siya kasi matagal din siyang nagsilbing PBA Governor para sa Alaska at currently Chairman ng PBA 3x3 at UAAP Commissioner din siya.
Anyway, si Alex naman, after mag-champion sa Junior’s US Open last year, sasabak na siya sa kanyang unang kampanya bilang professional player sa Australian Open.
Babalik siya sa Melbourne kung saan niya napanalunan ang kanyang unang Junior’s Grand Slam title sa girls’ doubles noong 2020.
Good Luck sa mag-Titong Noli at Alex Eala.