Bulls umeskapo sa Bucks sa ot
CHICAGO — Humataw si DeMar DeRozan ng 42 points at bumangon ang Bulls mula sa isang 15-point deficit sa fourth quarter para talunin si Giannis Antetokounmpo at ang Milwaukee Bucks, 119-113, sa overtime.
Nagdagdag si Zach Lavine ng 24 markers at humakot si center Nikola Vucevic ng 15 points at 14 rebounds para sa 15-19 record ng Chicago.
Humakot naman si Antetokounmpo ng season high na 45 points sa panig ng Milwaukee (22-12).
Nakabawi ang Bulls mula sa 15-point deficit sa kaagahan ng fourth quarter at ang dunk ni Ayo Dosunmu ang naggiya sa kanila sa overtime, 106-106, kung saan naman kumamada si DeRozan ng 10 points para ipalasap ang ikaapat na sunod na kamalasan ng Bucks.
Sa New Orleans, nagpasabog si Zion Williamson ng career-high na 43 points sa 119-118 pagtakas ng Pelicans (22-12) sa Minnesota Timberwolves (16-19).
Sa Miami, tumipa si Jimmy Butler ng 27 points, habang nagposte si Bam Adebayo ng 23 points at 14 rebounds sa 112-98 pagtusta ng Heat (18-17) sa Los Angeles Lakers (14-21).
Sa San Francisco, naglista si Jordan Poole ng 26 points para igiya ang nagdedepensang Golden State Warriors (18-18) sa 112-107 panalo sa Utah Jazz (19-18).
Sa Washington, dinuplika si Rui Hachimura ng career high na 30 points sa 127-102 paglampaso ng Wizards (15-21) kontra sa Phoenix Suns (20-16).
Sa Sacramento, nagsalpak ni Malik Monk ng 33 points, kasama ang tiebreaking free throw sa huling 0.7 segundo para akayin ang Kings (18-15) sa 127-126 paglusot sa Denver Nuggets (22-12).
Sa Detroit, umiskor si Allen Burks ng 32 points para sa 121-101 pagdaig ng Pistons (9-28) sa Orlando Magic (13-23).
- Latest