Sabong On Air tinuka ang ika-5 kampeonato
MANILA, Philippines — Bago matapos ang 2022 ay pinitas ng Sabong On Air ang pang-limang kampeonato matapos maghari sa Face-Off 4-Stag Derby na ginanap sa Lipa City, Batangas nitong Huwebes.
Sa kaagahan ng taon ay sumungkit agad ng kampeonato ang Sabong On Air na pag-aari ni veteran broadcast journalist Ka Rex Cayanong, sa kalagitnaan ng taon nakuha ang pang-apat at natagalan bago nakalawit ang pang-lima.
Ilang araw na lamang at magtatapos na ang 2022 kaya muling pinapupog ni Cayanong ang kanyang mga warriors at naihabol ang inaasam na kampeonato sa pa derby ng Team Diamond Cutters kung saan ay umabot sa 140 fights ang sultada.
Unang kinatay ng Sabong On Air ang entry name na WDY Pangasinan sunod ang Cagsawa, RSM Flash Bomba GF Merry X’Mas at IJI Chesca Isaac.
Nakasama ni Cayanong sa paghahanda ng manok ang kanyang handler na sina Ivan Celeste, Dodie Garcia, Jimuel Santiago, Welmer Orel at team Liverwire sa pangunguna ni Jap Gagalac.
Nagwagi ang Sabong On Air sa King Arthur 6-Cock Derby noong Hulyo, sa WPC Battle of the Big Boys noong Marso 21 at dalawang beses noong Mayo ng mag combined entry sila ni Richrad Perez sa JP dragon 6- cock Derby at Hagibiz 4-cock Derby.
- Latest