^

PM Sports

F4 cast kinumpleto ng HD Spikers

Chris Co - Pang-masa
F4 cast kinumpleto ng HD Spikers
Dinepensahan nina Tai Beirria at Roselyn Doria ng Cignal ang kill ni Odina Aliyeva ng Choco Mucho.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nakumpleto ng Cignal ang Final Four cast matapos patalsikin ang Choco Mucho sa bendisyon ng 17-25, 25-22, 25-18, 25-14 sa huling araw ng eliminasyon ng Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Umangat ang HD Spikers sa 5-3 baraha upang makasama sa semis ang Creamline, Chery Tig­go at Petro Gazz.

Pinamunuan ni import Tai Bierria ang opensa at depensa ng kanilang tropa nang kumana ito 18 puntos mula sa 14 attacks at apat na blocks kasama pa ang 11 digs at tatlong receptions para tulungan ang HD Spikers na makabalik sa semis.

“It’s super special, considering how we worked hard for this,” ani Cignal import Tai Bierria.

Naramdaman din si outside hitter Ces Molina na nagpako ng 13 hits habang gumawa naman sina middle blockers Roselyn Doria at Ria Meneses ng pinagsamang 17 markers.

Dikdikan ang laban kung saang nagtala ng 49 attacks ang HD Spikers laban sa 46 ng Flying Titans.

Subalit naramdaman ng husto ang presensiya ng HD Spikers sa net defense matapos magtala ng 14 blocks kumpara sa walo ng Flying Titans.

Nakagawa pa ang Choco Mucho ng 28 errors para tuluyang maglaho ang pag-asa nitong makapasok sa semis.

Nahulog ang Flying Titans sa 3-5 baraha sa pagtatapos ng eliminasyon para makasama ang Akari Chargers  at PLDT Home Fibr na may parehong kartada.

 

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with