^

PM Sports

Dyip tinapos ang 25-game losing skid

Russell Cadayona - Pang-masa
Dyip tinapos ang 25-game losing skid
Gigil na ibinaon ni Terrafirma import Lester Prosper ang kanyang dunk.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kinailangan ng Terra­firma ng extra period para tuluyan nang wakasan ang kanilang 25 sunod na ka­malasan simula noong 2021 PBA Governors’ Cup.

Naghulog si import Lester Prosper ng career-high na 50 points pa­ra igiya ang Dyip sa 124-114 overtime win sa NLEX Road Warriors sa 2022-23 PBA Commissio­ner’s Cup kahapon sa Smart Ara­­neta Coliseum.

Ito ang unang panalo ng Terrafirma sa 10 laro sa torneo at inilaglag ang NLEX sa kanilang pang-limang dikit na kabiguan para sa 3-7 baraha.

“At least, nasira iyong sumpa,” wika ni head coach Johnedel Cardel sa kanyang Dyip na nakahugot kay Juami Tiongson ng 18 points, 8 rebounds at 9 assists. “At least, we can start again.”

Nagdagdag si big man Eric Camson ng 15 mar­­­kers ka­sunod ang 10 points ni Gelo Alolino.

Pinamunuan naman ni import Earl Clark ang Road Warriors sa kanyang 45 at 18 rebounds.

Nagposte ang Terra­firma ng 17-point lead, 71-54, mula sa slam dunk ni Prosper sa pagsisimula ng third period.

Ngunit nakabangon ang NLEX sa likod nina Clark at Trollano para ma­katabla sa 110-110 pat­ungo sa overtime.

Sa extension ay huma­taw si Prosper ng pitong puntos para ibigay sa Dyip ang 120-112 abante.

Sa ikalawang laro, inilista ng Barangay Ginebra (6-2) ang ikaapat na sunod na pa­nalo matapos ku­nin ang 98-84 tagumpay sa Blackwater (3-8).

Humataw si import Jus­tin Brownlee ng 17 points, 7 boards, 4 steals at 3 assists para banderahan ang Gin Kings.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with