MANILA, Philippines — Lalo pang palalakasin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang Women in Sports program sa pagdaraos ng 8th Women’s Martial Arts Festival sa Sabado sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
“Ang objective ko talaga is to increase the participation of women athletes,” pahayag ni PSC Commissioner Bong.
Nakalatag sa torneo ang mga regular sports na pencak silat, wrestling, sambo, taekwondo, muay thai, kickboxing, karate, jiu jitsu, kurash at ang dalawang demonstration sports na arnis at judo.
Magtatapos ang event sa Nobyembre 17.
Umaasa ang PSC na makakadiskubre ng mga bagong magiging miyembro ng national teams matapos sina Tokyo Olympic weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo at World Games 2022 karate champion Junna Tsukii.
Ito ay magiging bahagi ng national selection process ng mga NSAs para sa koponang isasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Thailand sa 2023.