SALT LAKE CITY — Nagsumite si big man Lauri Markkanen ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Utah Jazz sa 121-105 pagpapabagsak sa Memphis Grizzlies.
Nag-ambag si Malik Beasley ng season-high na 18 points mula sa bench para sa 6-2 record ng Jazz habang may tig-15 markers sina Mike Conley at Collin Sexton.
Kumonekta ang Utah ng 19 three-pointers para sa kanilang ikalawang sunod na pagdaig sa Memphis, may 4-3 baraha, sa nakaraang tatlong araw.
Umiskor si Ja Morant ng 37 points para banderahan ang Grizzlies.
Kinuha ng Memphis ang first period, 26-23, bago naagaw ng Utah ang 54-38 abante bago ang halftime mula sa four-point play ni Fil-Am Jordan Clarkson.
Sa Los Angeles, isinalpak ni Paul George ang isang go-ahead jumper sa huling anim na segundo at tumapos na may 35 points sa 95-93 pagtakas ng Clippers sa Houston Rockets.
Sa Milwaukee, nagposte si guard Jrue Holiday ng 25 points, 10 assists at 7 rebounds sa 110-108 pag-eskapo ng Bucks sa Detroit Pistons.
Sa Washington, tumipa si James Harden ng 23 points at 17 assists sa 118-111 panalo ng Philadelphia 76ers sa Wizards.