MANILA, Philippines — Nasawata ng Arellano University ang Lyceum of the Philippines University sa bendisyon ng kumbinsidong 77-63 panalo kahapon sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Nangibabaw si Cade Flores na tumipa ng 23 puntos mula sa 7-of-12 shooting clip kasama pa ang 8-of-11 sa free throw line para pamunuan ang Chiefs sa ikalimang panalo.
Nakakuha pa si Flores ng 12 rebounds at nakalikom ng pitong steals.
Matamis na resbak ito para sa Chiefs matapos yumuko sa Pirates sa first round ng eliminasyon noong Oktubre 11 sa iskor na 80-82.
“May two games kami, Letran and yung previous game namin sa LPU, third quarter and fourth quarter, suddenly nagko-collapse. Sabi ko hindi puwedeng mangyari ulit,” ani Arellano head coach Cholo Martin.
Nahulog sa 8-4 marka ang Pirates para manatili sa No. 3 spot sa likod ng College of St. Benilde (8-2) at defending champion Colegio de San Juan de Letran (9-3).
Mula noon ay hindi na lumingon pa ang Arellano para makuha ang panalo.
Nagdagdag si Axel Doromal ng 18 puntos para sa Arellano na umangat sa 5-6 rekord upang manatiling buhay ang pag-asa nito sa Final Four.
Nagrehistro ang Pirates ng masamang 24 turovers kung saan nakakuha ang Chiefs ng 28 puntos mula sa naturang pagkakamali ng Lyceum.
Mababa rin ang shooting percentage ng Lyceum sa 26-of-69 shooting(37.7%).
Nahulog sa 8-4 marka ang Pirates para manatili sa No. 3 spot sa likod ng College of St. Benilde (8-2) at defending champion Colegio de San Juan de Letran (9-3).
Umiskor sina JM Bravo at Renz Villegas ng tig-12 puntos para sa Lyceum.