MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin at pang-unawa si Will Navarro sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kasunod ng isyung naidulot nito dahil sa pagpirma sa Korean Basketball League (KBL) sa kabila ng kanyang “existing contract”.
Inamin ni Navarro ang kanyang pagkakamali nang pumayag na maglaro sa Seoul Samsung Thunders sa KBL.
“Today, I met with Executive Director Sonny Barrios at his office and reiterated my sincere apology for my error and the misunderstanding and miscommunication caused by my signing up with the Samsung Thunders of Korea,” ani Navarro na nasa gabay na ngayon ng professional advisers. “I now fully recognize that I have an existing contract with the SBP and am aware of its provision re: the rights of my PBA Drafting Team thru the PBA special draft, Northport.
Naging sentro ng diskusyon si Navarro kaugnay ng kanyang naudlot na KBL stint dahil sa hindi pagbibigay ng Letter of Clearance ng SBP na siyang requirement ng FIBA sa overseas player transfer.
Pinutakti ng kritisismo ang SBP dahil sa desisyon na kalaunan ay nilinaw nito tampok ang paglilinaw na may “existing contract” si Navarro na kailangan niyang gampanan at maging ang FIBA mismo ay pumabor dito.
Bagama’t kinikilala na ito ni Navarro ay hiling niya pa rin na maayos ang kasunduan upang matuloy ang paglalaro kung saan man para sa kanyang karera at pamilya.
Nangako si Navarro na irerespeto ang anumang desisyon ng SBP at siniguro ang kanyang commitment maglaro pa rin para sa bayan.
“I seek the kind understanding and generosity of the SBP, the PBA and the Northport Batang Pier Team to give me a chance to pursue my and my family’s dreams for my basketball career. I pledge to abide by whatever decision they may arrive at regarding my case,” hiling niya.