MPAMS-San Mateo hari ng Ballout Hoops Challenge

MANILA, Philippines — Pinadapa ng MPAMS-San Mateo ang AMA University QC, 89-82, para pagharian ang inaugural Ballout Hoops Luzon Challenge Open Tournament sa University of Makati Gym.

Humataw si Mar Villahermosa ng 27 points at kumolekta si John Tayongtong ng triple-double na 12 points, 15 assists at 10 rebounds para sa San Mateo.

Nagtala rin si Villahermosa, hindi naglaro sa MPBL kagaya ni Tayongtong, ng 4 steals at 5 assists.

“Worth it iyong hindi ako sumali muna sa MPBL kasi nga kaka-recover ko lang from an Achilles heel injury,” ani Villahermosa na star player ng Caloocan Supremos sa MPBL.

Hindi rin naglaro si Ta­yongtong sa MPBL.

Nagdagdag si Exequiel Biteng ng 12 points kasunod ang tig-11 markers nina Mac Sevilla at RJ Diwa para sa paggupo ng Saints sa AMA University.

Show comments