MANILA, Philippines — Dinaig ng KalosPh-Our Lady of Fatima Antipolo ang University of Makati, 88-73, sa duwelo ng dalawang top-seeded teams sa Ballout Hoops Luzon Challenge Open Tournament sa UMak gym.
Humataw si Marvel Joy Jimenez ng 21 points para igiya ang Phoenix sa pagtatala ng 7-2 record sa pagsasara ng elimination round.
Nag-ambag sina Ace Russel Tiamzon, Gabriel Gotera at Kevin Loyola ng tig-10 markers para sa pagbandera ng OLFU sa provincial division papasok sa division finals kontra sa second placer MPAMS-San Mateo.
May 6-2 baraha ang San Mateo sa torneong itinataguyod ng One4BF, Chachago, Motolite, Detail Avenue, Snazzy, Mighty Sports Apparel, Mt. Fuji Restaurant, Disenyo Footwear, Lana 300 Magnesium Oil at Nestea Iced Tea.
Bagama’t nabigo ay nakatiyak na rin ang UMak ng playoff berth sa NCR division.