Mojdeh nakipagsabayan sa matitikas na swimmers sa Peru

MANILA, Philippines — Nagparamdam ng lakas si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh nang makuha nito ang ikaanim na puwesto sa Heat 4 ng women’s 200m individual medley sa 8th FINA World Junior Swimming Championships na ginaganap sa Lima, Peru.

Nagsumite si Mojdeh ng dalawang minuto at 30.28 segundo para masiguro ang No. 6 spot sa naturang heat.

Nanguna si Japanese tanker Narita Mio na nagrehistro ng impresibong 2:14.74 habang pumanga­lawa si Jimena Leguizamon ng Colombia na may malayong 2:23.74.

Nasa ikatlo si Magdalena Portela ng Argentina tangan ang 2:23.89 kasunod sina Michaela Dal Medico ng South Africa (2:27.21) at Angelina Solari ng Uruguay (2:27.60).

Nasa ikalimang posis­yon naman si Mojdeh sa Heat 2 ng 400m freestyle event kung saan nagsumite ito ng 4:42.72.

Sa kabilang banda, tumapos sa ika-12 puwesto sina Gian Santos, Alexander Eichler, Joshua Ang at Ruben White sa men’s 4x200m Freestyle Relay.

Nananatiling mailap sa Team PHLang medalya sa naturang world meet.

Nangunguna ang Poland na may limang ginto kasunod ang Hungary at Japan na may parehong apat na ginto, Turkey na may tatlong ginto, at ang Italy, Romania at Portugal na may pare-parehong dalawang ginto.

 

Show comments