MANILA, Philippines — Tiwala ang Gilas Pilipinas teammates ni Kai Sotto sa kakayahan niyang matupad pa rin ang pangarap sa NBA, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi lalo na para sa bayan.
Isa na doon si Jordan Clarkson na hinimok ang 7-foot-3 at 20-anyos na Filipino tower sensation na magpatuloy lamang sa pagpapalakas at pasasaan din ay maisasakatuparan ang NBA dream kagaya niya.
“I didn’t make it to the league (NBA) until I was 22 years old so he has time to go over. I’m proud of Kai. He’s taking steps in the right direction so I’m happy for him and can’t wait to see him continue to grow,” ani Clarkson.
Sa unang pagkakataon ay nakasama ni Clarkson sa laro si Sotto para sa dalawang laban ng Gilas sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers at aminado itong namangha sa galing at potensyal na kaya pa niyang mailabas.
Sa katunayan, may nabuo na agad na chemistry sina Clarkson at Sotto tampok ang ilang alley-oop plays sa laban nila kontra sa Lebanon at Saudi Arabia.
“He’s very skilled. He can catch the ball, he can space the floor, he can put the ball on the ground and make plays, he can shoot it as well and space the floor,” dagdag ni Clarkson.
Para kay Clarkson ay iyon ang magiging alas ni Sotto na nasa tamang daan na patungo sa kanyang pangarap lalo na at makakapagpalakas pa sa kanyang ikalawang season para sa Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League (NBL).