Sigurado akong madaming may kakayahan at karapat-dapat na mamuno sa Philippine Sports Commission.
Kaya lang hanggang ngayon ay wala pa ring naa-appoint na kapalit ni William ‘Butch’ Ramirez.
Inaabangan ng buong Sports Community ang itatalagang bagong PSC Chairman sa ilalim ng Marcos administration na magsisilbi sa ahensiya ng anim na taon
Habang wala pang naa-appoint, nariyan si Atty. Guillermo Iroy na Officer-In-Chargre (OIC) para ipagpatuloy ang operasyon ng PSC.
Pero mas maganda kung mayroon nang ma-appoint na bagong Chairman dahil kailangan ng full attention ng mga atleta.
Laging nagte-training ang mga atleta, laging may kompetisyong sasalihan, laging may kailangan sa kanilang pag-eensayo.
Kaya sana ay may ma-appoint nang chairman. Kung si dating PBA Commissioner Noli Eala ‘yan, outgoing GAB chairman Baham Mitra o kung ire-retain si Ramirez.
Kasi, hindi magtatagal anjan na ang 2023 Cambodia SEA Games sa May at ang 2023 Asian Games sa Hangzhou, China sa September 2023.
Oo, next year pa ‘yan pero mahabang preparasyon, training ang kailangan ng mga atleta.