Nagkagulo na naman ang mga fans sa opening ng PVL Invitationals noong Sabado sa San Juan Arena.
Siyempre, agaw-eksena na naman ang internet sensation na si Deanna Wong na pinangunahan ang Choco Mucho Flying Titans sa buwenamanong panalo sa kanyang 16 excellent sets para sa 5 points.
May iniindang stressed fracture sa shin injury si Deanna pero naglaro pa rin siya at siyempre, panay ang sigawan ng mga fans sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit konting kibot lang ni Deanna, hiyawan na ang mga fans. Kung anong mayroon siya ay ay walang makapagsabi pero iba talaga ang charisma niya, iba ang dating.
Siyempre, inspired si Deanna hindi lamang dahil dumating ang Mommy niya from Cebu para suportahan siya pero dahil na rin sa bago niyang jowang si Ivy Lacsina.
Suportado si Deanna ng mga fans niya sa kanyang bagong karelasyon. Hiyawan pa nga ang mga fans nang kawayan ni Deanna si Ivy bago ito lumabas ng court.
Kailan lang ay ni-reveal ng dalawa ang kanilang relationship na sinelyuhan na nila ng couples tattoo.
Sana lang ay hindi lumala ang injury niya dahil nababad talaga siya sa game.
Nakita kasing paika-ika itong lumabas ng game venue.