NEW YORK — Hindi gagamitin ni star guard Kyrie Irving ang kanyang $37 million player contract option para sa susunod na season upang manatili sa Brooklyn Nets.
“Normal people keep the world going, but those who dare to be different lead us into tomorrow. I’ve made my decision to opt in. See you in the fall,” wika ni Irving.
Tatapusin ng 30-anyos na playmaker ang kanyang four-year commitment sa Nets para patuloy na makatambal si star big man Kevin Durant.
Napanood si Irving sa 103 games ng Brooklyn sa nakalipas na tatlong seasons dahil sa mga injuries at issues, kasama ang pagtangging magpabakuna laban sa COVID-19 dahil sa pagiging Muslim.
Tumipa si Irving ng mga averages na 27.4 points, 5.8 assists, 4.4 rebounds at 1.4 steals para sa kampanya ng Nets sa nakaraang season.
Samantala, may dalawang araw pa si point guard Russell Westbrook para magdesisyon kung patuloy na maglalaro sa Los Angeles Lakers sa susunod na season.
May $47 million player option si Westbrook para sa 2022-23 season.