Robot ang mascot ng 2023 FIBA World Cup

Mascot para sa 2023 FIBA World Cup.

MANILA, Philippines — Ipinakilala kahapon ang official mascot para sa 2023 FIBA Basketball World Cup na magkaka­sa­mang pa­mamahalaan ng Pilipinas, Japan at Indonesia.

Isang robot ang mas­cot na inilunsad ng In­ter­­national Basketball Fe­­deration (FI­BA) na ma­giging lara­wan ng 20­23 World Cup edition subalit wala pa itong opis­yal na pangalan.

Dinisenyo nina Caloy mula sa Pilipinas, Kota ng Japan at Dewi ng Indonesia ang official mascot na siyang kakatawan sa tatlong bansa.

Tulad ng Pilipinas, Ja­pan at Indonesia bilang host countries, ang robot mascot ay fun, friendly at sporty tampok pa ang malupit na dribbling skills at superso­nic dunk ayon sa FIBA.

Mayroon din itong LED face para sa komunikasyon sa iba’t ibang fans sa buong mundo sa pamamagitan ng iba’t ibang lengguwahe.

Para sa pangalan nito, nagsimula na ang kompetisyon ng FIBA para sa mga fans na makakaisip hanggang Hunyo 30 sa official website ng FIBA Basketball World Cup 2023 at ang mananalo ay magwawagi ng official Molten ball na gagamitin sa mismong mga laro.

Nauna nang inilabas ng FIBA ang official World Cup logo noong 2020 pa lang na hugis puso tulad ng “battlecry” ng Gilas Pilipinas at re­presentasyon din sa pagmamahal ng Asya lalo na ang Pinas, Japan at Indonesia sa basketball.

Pagkatapos mapili ang pangalan ng mascot ay iikot ang mascot sa Pilipinas, Japan at Indonesia simula sa susu­nod na buwan, lagpas isang taon pa bago ang mismong World Cup sa Agosto 2023.

Show comments