^

PM Sports

Douthit tatayong coach ng ABA team

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binuksan ni dating Gilas Pilipinas reinforcement Marcus Douthit ang bagong kabanata ng kanyang basketball career bilang head coach sa American Basketball Association.

Mamanduhan ni Douthit ang Beantown Bisons sa Northeast Division ng ABA simula ngayong season.

Noong 2017 pa huling naglaro ng pro basketball si Douthit para sa Hanoi Buffaloes sa Thailand Basketball Super League bago mag-transition sa coaching.

Nagsimula siyang maging assistant sa Rick Harris sa Community College of Rhode Island bago maging head coach ngayong taon.

Produkto ng Providence College sa US NCAA si Douthit bago maging naturalized player ng Gilas Pilipinas noong 2011.

Sa pangunguna ni Douthit ay nagsimulang luma­kas ang Gilas tampok ang gintong medalya sa 2012 Jones Cup, 2013 at 2015 Southeast Asian Games pati ang bronze medal sa 2014 FIBA Asia Cup at silver medal sa 2013 sa FIBA Asia Championships.

Ang naturang silver medal ng Gilas noong 2013 sa FIBA Asia Championships na dito ginanap sa Pilipinas ang nagdala sa bansa pabalik sa FIBA World Cup matapos ang halos apat na dekada.

Nagsilbi ring import sa PBA si Douthit para sa Air21 at Blackwater.

MARCUS DOUTHIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with