JGDL nakasakay na sa Dyip

MANILA, Philippines — Makakasama ng Ter­ra­firma si rookie Javi Gomez de Liaño sa loob ng dalawang taon sa kampan­ya sa Philippine Basketball Association.

Pormal nang pumir­ma ng two-year deal si Gomez de Liaño sa Terra­firma kahapon.

Matatandaang napili ng Barangay Ginebra si Gomez de Liaño bilang No. 8 pick sa ginanap na PBA Annual Rookie Draft noong Mayo 15.

Subalit ilang araw matapos ang draft ay nai-trade ang dating University of the Philippines standout kasama si Brian Enriquez sa Terrafirma ka­palit ni No. 2 pick Jere­miah Gray.

Umaasa si Gomez de Liaño na madadala nito ang kanyang talento sa Dyip para matulungan ang koponan sa kampanya sa mga darating na season ng liga.

“Gusto ko lang tala­gang makatulong sa team. Iyon ang nasa isip ko nga­yon. Masaya ako na na­sa Terrafirma ako,” ani Gomez de Liaño.

Bago sumabak sa draft ay naglaro si Gomez de Liaño sa Japan B.League ka­sama ang Ibaraki.

 

Show comments