^

PM Sports

Gilas pinakain ng alikabok ang Singapore

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas pinakain ng alikabok ang Singapore

MANILA, Philippines — Winasiwas ng Gilas Pilipinas men’s team ang Singapore, 88-37, para sa ikatlong sunod na panalo nito sa 5-on-5 basketball event ng 31st Southeast Asian Games sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Kagagaling lang sa 68-point win kontra Cambodia, hindi nagpaawat ang Gilas kontra Singapore nang sumakay sa mainit na 17-7 simula tungo sa pambihirang 51-point victory.

Dahil dito ay napanatili ng Gilas ang malinis na kartada, 3-0, upang palakasin ang misyong madepensahan ang gintong medalya matapos ang dikit na 76-73 panalo kontra Thailand sa opener.

Nagbuslo ng 19 puntos, dalawang rebounds at tatlong steals si RR Pogoy habang patuloy ang pa­nanalasa ni teen sensation Lebron Lopez sa naitalang 18 puntos at dalawang steals.

Sa 100-32 panalo ng Gilas kontra Cambodia kamakalawa kung kailan din nagdiwang ng ika-19 na kaarawan si Lopez ay siya rin ang bumida sa paghakot ng 17 markers, limang boards at dalawang tapal.

Bukod kay Pogoy, sumuporta ngayon kay Lopez sina Matthew Wright at Jaydee Tungcab na may tig-11 markers.

Hindi uli binabad ang mga beterano ng Gilas sa panguguna ni June Mar Fajardo na sumalang sa 14 minutong aksyon lang tungo sa walong puntos matapos buhatin ang koponan kontra Thailand sa kanyang 28 markers.

Samantala, wala pa ring galos ang Gilas women’s team matapos tambakan ang karibal na Thailand, 97-81 sa pa­mumuno ni Afril Bernardino na may 20 puntos, 16 rebounds, tatlong steals at tatlong tapal.

Umangat sa 2-0 kar­tada ang Gilas women’s na tinalo rin ang Indonesia 93-77 para sa parehong misyon na madepensahan ang gold medal ng bansa. 

GILAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with