^

PM Sports

2 ginto ambag ng wushu

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilabas na ni Agatha Wong ang lahat ng itinatago nitong alas sa upang angkinin ang gintong medalya sa taijijian taolu event ng 31st Southeast Asian Games wushu competitions na ginaganap sa Cau Giay Gymnasium sa Vietnam.

Isang araw matapos magkasya sa pilak na medalya sa kanyang paboritong taijiquan taolu event, matikas ang ipinamalas na performance ni Wong para kubrahin ang 9.71 puntos sapat para angkinin ang ginto.

Pinataob ni Wong sina Vietnam bets Huyen Tran Thi (9.70) at Trang Tran Thi (9.69) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Nagawa pa rin ni Wong na makapaglatag ng magandang laban sa kabila ng maiksing panahon na preparasyon dahil sa pandemya.

Dalawang buwan lamang ito nagtraining sa bubble setup sa Maynila.

“I’m so thankful.We must remember na may pandemic. Kaya yung ka­hapon I was thankful naka-silver ako. Kahit bronze pa ‘yan I’d still be thankful,” ani Wong, na sabik ng umuwi sa ka­nilang tahanan.

Hindi na makapaghintay si Wong na bumalik sa Pilipinas upang ma­k­asama ang kanyang pa­milya.

Ibinigay naman ni Arnel Mandal ang ikala­wang ginto ng wushu nang igupo si Laksmana Pandu Pratama ng Indonesia sa finals ng men’s 56kg sanda, 2-0.

Uuwi ang wushu team na dala ang dalawang ginto, da­lawang pilak m­la kina Jones Inso sa me’s Taijiquan (taolu) at tanso na iniambag din ni Inso sa taijijian.

 

WUSHU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with