Gebbie positive sa COVID-19
MANILA, Philippines — Nagpositibo si Olympian swimmer Luke Gebbie sa COVID-19 at hindi na makakalangoy sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
May potensyal sana si Gebbie, ang 100-meter freestyle national record holder at 2019 SEA Games silver at bronze medalist, na makakuha ng gold medal sa Vietnam edition.
Bukod sa Fil-Australian ay hindi rin sasalang sa biennial event sina Fil-Am sprinter Kristina Knott, ang magkapatid na Yacine at Said Guermali, Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Tokyo Olympics boxing silver medalist Carlo Paalam.
May injury sina Knott, Said at Watanabe, abala sa pag-aaral si Yacine at wala sa kondisyon si Paalam.
- Latest