Mescaleros Tito Den RM Jepoy kampeon
MANILA, Philippines — Nagsanib puwersa ang tigasing breeders at sabungero na sina Dennis Samson, Ramon Mansenares at Boss Jepoy upang angkinin ang titulo at magsolo champion sa naganap na 3rd Edition ng “Basagan ng Pula” 12-Cock derby na nilarga sa Lipa City Arena sa Batangas.
Iwinagayway ang entry name na Mescaleros Tito Den RM Jepoy, nakapagtala ng 9.5 puntos sapat upang hamigin ang tumataginting na P30M premyo sa event na binansagang “The Ultimate Explosive Event” na napanood lahat ng sultada sa Pitmaster Live na pinamumunuan ng respetadong sabungero na si Charlie “Atong” Ang.
Bigatin na breeders ang nakaharap ng Mescaleros Tito Den RM Jepoy sa three-day derby na nagsimula noong April 29 hanggang May 1, isa na rito si Edwin Tose.
Ayon kay Samson sa interview ng Sabong On Air ni Ka Rex Cayanong na ginamit nilang bloodline sa laban ay mga Sweater na crossed sa Gilmore at halos mga 3 1/2 taon na ang edad ng kanilang warriors.
“Ilang buwan po namin hinanda ‘yung mga panlaban namin kasi hindi basta basta ang mga kasali magagaling ang mga kalaban.” saad ni Samson na 13 anyos pa lang ay nahilig na ito sa sabong at naging impluwensya sa kanya ang kanyang ama at mga kapatid.
Mga nakatuwang nina Samson at Mancenares ay sina Bebot Jaspe (Handler) at Norman De La Penia (Gaffer).
- Latest