Tuwang-tuwa na naman ang buong Barangay sa pagkapanalo ng Ginebra sa katatapos lang na PBA Governors’ Cup noong Biyernes.
Siyempre, ilang araw ‘yan na ang laman ng huntahan ang Ginebra.
Sinasabing nakapagtayo na ng dinastiya ang Gin Kings sa PBA dahil sa kanilang apat na Governors’ Cup title, isang Commissioner’s Cup crown at Philippine Cup bubble win sapul noong 2016.
Madami-dami na ring titulo pero konti pa para maging legit na tawaging dynasty dahil kailangang sunud-sunod talaga ang panalo para masabing dynasty.
Sinasabi ring may bagong mukha na ang Ginebra sa katauhan ni Scottie Thompson.
Nakasemento na sa Ginebra ang mukha ng living-legend na si Robert Jaworski. Tapos naririyan sina Bal David at Mark Caguioa.
Tapos ngayon, si Scottie na ang sinasabing bagong mukha ng Ginebra matapos mapanalunan ang Finals MVP at Best Player of the Conference.
Bagong mukha, bagong dynasty, ang hindi nagbabago ay ang ‘never-say-die spirit’ ng Ginebra.