Blazers babangon mula sa kamalasan

MANILA, Philippines — Pipilitin ng St. Benilde Blazers na makaba­ngon mula sa dalawang dikit na kamalasan para sa play-in spot sa 97th NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills Gym sa Mandaluyong City.

Lalabanan ng Blazers ang San Sebastian Stags ngayong alas-3 ng hapon matapos ang banatan ng Arellano Chiefs at Lyceum Pirates sa alas-12 ng tanghali.

Ang No. 3, 4, 5 at 6 teams matapos ang single-round eliminations ang maglalaro sa play-in round na magdedetermina sa dalawa pang Final Four qualifiers.

Magkasosyo sa lide­rato ang nagdedepensang Letran Knights at San Beda Red Lions sa bitbit nilang 6-0 record kasunod ang Mapua Cardinals (5-2), St. Benilde (4-3), San Sebastian (3-4), Emilio Aguinaldo (3-4), Arellano (2-4), Perpetual Help (2-5), Lyceum (1-5) at Jose Rizal (1-6).

Show comments