^

PM Sports

Ginebra puro na

Russell Cadayona - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Ginebra puro na
Ang acrobatic layup ni Scottie Thompson ng Ginebra laban kay Raymond Almazan ng Meralco sa Game 5 ng PBA Governors’ Cup Finals.
Jun Menoza

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng Barangay Ginebra para sa matagumpay na pagde­depensa sa kanilang korona sa PBA Governors’ Cup.

Inangkin ng Gin Kings ang 3-2 lead matapos patumbahin ang Me­­ralco Bolts, 115-110, sa Game Five ng PBA Governors’ Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si Best Import Justin Brownlee ng 40 points, 11 rebounds, 5 assists at 2 blocks para sa bentahe ng Ginebra sa best-of-seven championship series nila ng Meralco.

Humakot si Best Pla­yer of the Conference Scottie Thompson ng 19 markers, 11 assists at 9 rebounds para sa Gin Kings.

Kung muling mana­nalo ang Gin Kings sa Bolts sa Game Six sa Miyerkules ay makakamit nila ang ikaapat na titulo sa huling limang edisyon ng torneo.

Inilista ng Gin Kings ang 54-40 kalamangan sa huling 1:04 minuto ng second period matapos isara ang first quarter ta­ngan ang maliit na 25-22 bentahe sa Bolts.

Hindi sumuko ang Me­ralco at nakalapit sa 70-74 matapos maghulog ng 10-1 bomba sa 3:38 minuto ng third period ga­ling sa 60-73 pagkakaiwan.

Nagsanib-puwersa naman sina Brownlee, Thompson at Tolentino para sa 96-82 paglayo ng Ginebra sa 7:41 minuto ng final canto.

Isang solong 13-2 atake ang ginawa ni import Tony Bishop para idikit muli ang Bolts sa 95-98 kasunod ang layup ni Black para sa kanilang 97-98 agwat sa huling 4:44 minuto ng laro.

Ngunit kumamada si Standhardinger ng dalawang sunod na basket para itaas ang Gin Kings sa 102-97 habang ang triple ni Thompson ang nagpadyak sa kanilang 105-97 bentahe sa huling 2:18 minuto nito.

BARANGAY GINEBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with