^

PM Sports

Bagong kulay ng berde at asul

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Sanay akong makita na sa tuwing maglalaban ang mahigpit na magkaribal na Ateneo at La Salle eh, nagkukulay asul at berde ang buong game venue.

Kitang-kita mo kung nasaan ang mga Lasalista at Atenista.

Alam nating napaka-intense ng game sa tuwing maghaharap ang dalawang eskuwelahang ito.

Talagang very supportive ang mga fans ng A­teneo at La Salle sa Blue Eagles at Green Archers.

Hindi lang sa basketball nangyayari iyan, kahit anong sports, ramdam mo ang rivalry sa tuwing maghaharap ang dalawang universities na iyan…

Pero noong Martes, iisa ang kulay ng crowd. Kulay pink.

Parang nasa laban ka ng Creamline sa PVL… Puro pink.

Siyempre, hindi la­hat naka-pink. Mayroon pa ring mga naka-blue at naka-green.

Hindi naman mapipilit ang lahat, pero pink talaga ang crowd sa venue.

Kahit pala matin­ding magkaaway, pu­we­deng magkaisa.

Pero siyempre, sa lahat ng laban, may nananalo, may natatalo.

Lutang man ang kulay pink pero nangi­babaw ang blue sa bandang huli sa panalo ng Ateneo sa La Salle.

ATENEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with