Pinoy fighters wagi ng 3 ginto

MANILA, Philippines — Sinuntok ni Pinoy flyweight Rogen Ladon ang gold medal matapos gulatin si Asian Championships at Asian Games champion Ait Panghal, 3-2, ng India sa finals ng Thailand Open International Boxing Tournament.

Inangkin ni Ladon ang first at second round bago nalampasan ang paghahabol sa puntos ni Panghal sa third round para sa kanyang panalo.

Kumopo din ng gold sa kanilang mga weight divisions sina Pinay fighters Riza Pasuit at Hergie Bacya­dan matapos talunin sina Alessia Mesiano ng Italy sa lightweight at Tran Thi Oanh Nhi, 5-0, ng Vietnam sa middleweight class, ayon sa pagkakasunod.

Show comments