^

PM Sports

Gazz Angels pasok sa PVL Finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinataob ng PetroGazz ang Cignal HD Spikers sa ka­ni­lang rubber match, 25-21, 28-26, 15-25, 25-21, upang masungkit ang ikalawa at huling tiket sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Sumandal ang Gazz Angels sa matikas na laro ni Myla Pablo na nagpakawala ng matatalim na atake kasama pa ang game-winning ace upang bu­hatin ang kanilang tro­pa sa ikatlong finals appea­rance.

Nakakuha pa ang Petro­Gazz ng solidong suporta mula kina outside hitter Grethcel Soltones, opposite spiker Aiza Maizo-Pontillas at middle blocker Remy Pal­ma para sa kanilang balanseng rat­sada.

Tinapos ng Gazz Angels ang best-of-three semis series tangan ang 2-1 rekord.

Nakauna ang Cignal nang kunin nito ang Game One noong nakaraang linggo sa iskor na 25-21, 25-23, 25-23 bago nakaresbak ang PetroGazz sa Game Two sa pamamagitan naman ng pahirapang 25-22, 21-25, 22-25, 26-24, 18-16, noong Linggo.

Makakasagupa ng Petro­Gazz sa best-of-three championship series ang Creamline na nauna nang nag­martsa sa finals.

Winalis ng Cool Sma­shers kanilang hiwalay na best-of-three semis series laban sa Choco Mucho.

Magsisimula ang finals series ng PetroGazz at Creamline bukas sa MOA Are­na.

 

PETROGAZZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with